Paraiso

Akyat dito, akyat doon. Matarik man ang babagtasin ay kakayanin. Mabato man at maputik ang nilalakaran ay hindi ito magiging hadlang. Mga huni ng ibon ang maririnig sa paligid at mga bulaklak na nakangiti sa langit ang makakasalubong. Simoy ng hangin sa aking mukhaโ€™y dumadampi. Tila sumasayaw ang mga sanga ng puno at ang mga halaman. Bawat paglalakad ay may indak, sumasabay sa musika ng kapaligiran. Ang paraisoโ€™y makikita na, kaunting hakbang na lamang.
Ang tuktok ay napanik

Nakarinig ng tinig

Kalikasaโ€™y umihip

Iniwaโ€™y isang awit