Tatlong Gabi, Tatlong Araw

#BuwanNgMgaAkdangPinoy
“Mas mabuting mamatay sa paghahabol ng gusto mo, kesa mamatay sa kakaiwas sa ayaw mo.”

-Tatlong Gabi Tatlong Araw, Eros Atalia

Tatlong taon na mula nung mabasa ko ang aklat na ‘to at hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isip ko ang istorya at binabagabag pa rin ako at nalilito kung ano ba talaga ang nangyari at gustong sabihin ng awtor. Nakakaloka hahaha. Hindi ito kuwentong pambata, taliwas sa gusto kong gawing thesis pero nabanggit ko na magpopost ako ng mga libro na maaaring makatulong sa pagsusulat ng aking thesis at isa ang librong ito. Masasabi kong malaki ang naging impluwensiya sa akin nitong libro dahil marami akong bagong nalaman at naliwanagan ako sa maraming bagay. Mahilig ako sa mga kuwentong mapapaisip talaga ako at may halong adventure o misteryo kaya naman nagustuahn ko ang aklat na ito.

Halos lahat naman ata ng naisulat ni Eros Atalia ay may malaking impluwensiya sa akin, simula pa noong una akong makabasa ng sinulat niya, ang It’s Not That Complicated at mula doon ay sinubaybayan at binasa ko na ang iba pa niyang libro. 

Tulad ng sabi ko noon sa aking blog post ukol din sa aklat na ito ay may halong misteryo, konting romansa at puno ng kababalaghan na siguradong kikiliti sa iyong isipan at di mo maibaba ang libro kapag naumpisahan mo na. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s