Sana’y Magbalik

Mapupungay na mata at mapupulang labi
Hindi malimutan iyong mga ngiti
Tila natutulala at nawawala sa sarili
Ano bang gayuma  mayroon ka at ako’y di mapakali?

Araw-araw ika’y aking nakikita
Bawat salita mo’y parang nilapatan ng musika
Lahat ng gawin mo’y sa aki’y nagpapasaya
Ano nga bang meron ka, o aking sinta?

Iyong mga tingin na nakakatunaw
Di mapigil ang pusong ngalan mo’y isinisigaw
Ang mga mata ko’y walang ibang natatanaw
Kahit anong gawin ay pinapanood ang iyong bawat galaw

Taon ang lumipas at pagtingin sayo’y di nagbago
Ang nararamdaman ko’y mananatili sa aking puso
Kahit kailan pagmamahal ko’y nakalaan para sayo
Mawala ka man andito pa rin ako’t maghihintay sa pagbabalik mo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s