Siklo

Umagang kay ganda
Iyan ang iniisip ng iba

Umagang paulit-ulit
Iyan ang nakatatak sa aking isip

Tila isang siklo
‘Di alam kung matatapos
‘Di alam kailan hihinto

Titingin sa kanan at kaliwa
Pare-pareho ang nakikita
Walang pagbabago
Nakakatulala

Madalas lumilipad ang isipan
Napupunta sa kawalan
Naglalakbay mag-isa
Sa sariling mundo nagsasaya

Pagkalubog ng araw ay nagbago
Ang mga sinabi’y kinain ko

Pagkalubog ng araw aking napagtanto
Ang siklo pa lang ito’y hindi ang inakala ko

Bawat ikot pala’y kakaiba
Minsan malungkot, minsan masaya
Bawat nangyayari pala’y may dahilan
Paulit-ulit man ito o walang katapusan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s