Tik-Tok

Maraming mata ang parating nakatingin sa akin

Parating nakatingin sa akin ang maraming mata

Kalkulado ang aking bawat galaw

Ang aking bawat galaw ay kalkulado

Mga numero sa loob ko’y tila isang babala

Tila isang babala ang mga numero sa loob ko

Bawat galaw ko’y inaabangan ng madla

Inaabangan ng madla ang bawat galaw ko

Kapag tumigil ako siguradong may madidismaya at matutuwa

Siguradong may madidismaya at matutuwa kapag tumigil ako

Iba’t ibang emosyon ang aking nakikita

Ang aking nakikita ay iba’t ibang emosyon

Pilit nila akong pinapatakbo at pinapabilis

Pinapatakbo at pinapabilis nila akong pilit

Kung minsan ako’y pinapahinto ng saglit

Ako’y pinapahinto ng saglit kung minsan

Ang sundin sila ay hindi ko magagawa

Hindi ko magagawa ang sundin sila

Hindi nila kontrolado ang buhay ko

Ang buhay ko ay hindi nila kontrolado

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s