Maiinlove ka ba?

Ayon kay Rolando Tolentino, umibig sa artist, chef, writer o musician dahil may dedikasyon at pagmamahal sa sining, buhay at mundo. Bilang isang babae na nangagarap na maging isang manunulat ay hindi imposibleng mahulog ang loob ko sa isang manunulat din. Sa dinami dami ng mga librong nabasa ko at mga awtor na iniidolo ko ay hindi malayong isang manunulat ang bumihag ng puso ko. Siguro dahil sa parehas ang interes namin na magsulat at magbasa ay malamang na mainlove nga ako sa kanya. Madali lang sigurong mainlove ang mahirap lang ay kung papaanong manatiling in love. Magaling sa mga salita ang mga manunulat at tila parang alam nila kung ano ang hinahanap o kung ano ang gusto ng isang tao dahil siguro sa malawak nilang imahinasyon at pag-iisip. Sa totoo lang ay mahirap para sa akin na sagutin ang tanong na ito sa kadahilanang hindi ko pa nararanasang umibig pero sinong babae ba ang hind lalambot ang puso kapag ginawan ng tula o inalayan ng isang istorya? Masarap nga siguro magmahal ng isang manunulat, maari kang maging inspirasyon at makatulong sa kanyang pagsusulat pero minsan ay depende pa rin ito sa ugali at pagkatao niya mismo. Puwede ka nga niya siguro makuha sa mga mabubulaklak at matatamis na salita pero di mo alam kung totoo ba ito o parte lamang ng kanyang sinusulat. Magulo mag-isip ang mga manunulat siguro dahil na rin sa sobrang dami nilang iniisip at sa dami ng pumapasok na ideya sa kanilang utak pero kung totoo lahat ang kanyang sinasabi at ipinaparamdam ay maari ka nga talagang mainlove sa isang manunulat. Sabi nga sa isang quotation na nabasa ko, “If a writer falls in love with you, you can never die,” na akin naman pinatotohanan. Sinong writer ba naman ang maglalagay ng kanyang iniibig sa kanyang isinusulat kung papatayin lamang niya ito?

tumblr_nf84yy2OSu1tlegh6o1_500

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s